Acquittal kay Rep. Imelda Marcos pinagtibay ng Korte Suprema

Pinagtibay ng Korte Suprema ang naunang desisyon na nagpawalang sala kay Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos sa kaso kaugnay sa sinasabing ilegal na yaman.

Sa desisyon ng 3rd Division ng Korte Suprema na isinulat ni Associate Justice Marvic Leonen, ibinasura ang apela ng yumaong dating Solicitor General Frank Chavez na kumukuwestiyon sa naging desisyon ni Manila Judge Silvino Pampilo na hindi mag-inhibit sa kaso.

Giit pa ng Korte Suprema walang sapat na ebidensiya para patunayan na may kinililingan ang hukom na dumidinig sa kaso.

Noong March 2008, sa desisyon ni Pampilo sinabi nito na nabigo ang prosecution na patunayan ang alegasyon ng dollar salting laban kay Marcos o sinasabi na nakapagdeposito ng $863 milyon ang pamilya Marcos sa isang Swiss bank noong sila ay nasa kapangyarihan pa.

Sinabi noon ni Pampilo na ang pangungulimbat ng mga Marcoses ng milyong milyong dolyar ay base lang sa haka-haka.

Read more...