Blogger na si Drew Olivar sangkot na naman sa panibagong kontrobersiya

Nasa gitna na naman ng bagong kontrobersiya ang pro-Duterte blogger na si Drew Olivar.

Ito ay dahil sa ibinalita nitong umanoy bomb scare sa gitna ng paghahanda ng mga raliyista para sa protesta kasabay ng anibersaryo ng martial law.

Sa inisyal nitong facebook post, sinabi ni Olivar na nakakatakot mag-rally sa EDSA dahil may balita umano na pwedeng maulit ang pagpapasabog na naganap sa Plaza Miranda.

Kalaunan ay inescreen-grab ni Olivar ang kanyang post at muling pinost na may kasamang caption kung saan binatikos nito ang kanyang mga kritiko dahil sa paggawa ng isyu ukol sa sinabi niya na anyay hindi naman bomb joke.

Katwiran ng blogger, ang post niya ay batay lang sa nakita niya sa social media na babala na pwedeng maulit ang Plaza Miranda bombing.

Dagdag nito, ano anya ang isyu kung nag-iingat siya at naging concern lang?

Samantala, pinayuhan ni NCRPO director Guillermo Eleazar ang publiko na huwag maniwala sa bomb threats na nakukuha sa social media.

Inutusan ni Eleazar ang mga district directors na bantayan ang patrulya sa EDSA.

Read more...