Ang pagtitiyak ay ginawa ni Presidential Spokesman Harry Roque kasabay ng paggunita ngayong araw sa ika-46 na anibersaryo ng deklarasyon ng batas militar noong 1972.
Paliwanag ni Roque, hindi tulad dati, mayroon ngayong kapangyarihan ang hukuman at kongreso para ipawalang bisa ang martial law.
Malinaw aniya sa 1987 Constitution na hindi maaaring isara ang hukuman at kongreso kahit may deklarasyon ng martial law.
Gumagana at pinalakas din aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga institusyon sa ilalim ng demokrasya na patuloy na umiiral.
Bukod dito, ilang ulit nang tiniyak ni pangulo na maliban sa Mindanao, wala siyang balak na isailalim sa martial law ang buong bansa.