Patay sa tumaob na barko sa Tanzania umabot na sa halos 100

PHOTO: Stephen Msengi, PRO of Ukerewe District, Tanzania

Umabot na sa halos 100 na katao ang nasawi sa tumaob na passenger ferry sa Lake Victoria sa Tanzania.

Pinangangambahan din ng mga otoridad na umabot sa 200 katao pa bilang ng mga nasawi habang nagpapatuloy ang recovery efforts.

Ang MV Nyerere ferry ay bumaligtad sa karagatan malapit sa Ukara island habang patungo sa Bugorora.

Ayon sa ulat, ang capacity lang ng ferry ay 100 pero nasa 400 ang sakay nito.

Read more...