Ipinag-utos ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang temporary suspension sa lahat ng operasyon ng quarrying sa buong bansa.
Ginawa ni DENR Sec. Roy Cimatu ang kautusan matapos bumisita sa Naga City sa Cebu kung saan may naganap na pagguho ng lupa na ikinasawi na ng marami.
Ayon sa DENR, tatagal ang suspensyon ng quarrying operations sa loob ng 15 araw.
Sa loob ng 15 days suspension magsasagawa ng evaluation ang DENR sa lahat ng quarrying operations sa bansa.
Ani Cimatu, isasailalim sa review at assessment ang lahat ng quarry operations sa buong bansa upang matukoy kung ligtas ang operasyon ng mga ito at kung ligtas ba ang komunidad sa palibot nito.
Matapos ito ay saka naman pagpapasyahan kung saang mga lugar pananatilihin ang suspensyon.