Umaani ngayon ng batikos ang pahayag ni dating Senador Juan Ponce Enrile na walang naganap na massacre at mga pag-aresto noong panahon ng martial law.
Sa one-on-one interview ni Enrile kasama si dating Sen. Bongbong Marcos sinabi ni Enrile na walang naganap na massacre, at wala din umano silang inaresto nang dahil sa pagsusulong ng political o religious belief.
Ang pahayag na ito ni Enrile, ikinagalit ng marami. Ayon kay dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo, siya ang buhay na patotoo at malinaw na halimbawa na may mga dinakip noong martial law.
Si Ocampo ay ikinulong noong 1976 at nakatakas sa bilangguan noong 1985.
Hindi rin ikinatuwa ng pamilya Diokno ang pahayag ni Enrile.
Sa stament ng pamilya Diokno, ang yumaong si dating Sen. Jose Diokno ay isa sa mga inaresto noon at halos dalawang taon na nakulong.
Ayon sa pamilya, sinisira ni Enrile ang kasayasayan.
Si dating Sen. Aquilino Pimentel Jr., sinabing bagaman may edad na si Enrile, hindi naman pwedeng baguhin nito ang katotohanan.
Ani Aquino, kaya nga mayroong Human Rights Compensation Bill ay para mabayaran ang mga naging biktima noon ng paglabag sa karapatang pantao.