Thunderstorm advisory itinaas ng PAGASA sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan

Itinaas ng PAGASA ang thunderstorm advisory sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan ng Bulacan at Cavite.

Sa abiso na inilabas alas 5:20 ng hapon, malakas na buhos ng ulan na may kaakibat na pagkulog at pagkidlat at malakas na hangin ang nararanasan sa tatlong lugar.

Ang lugar mga lugar na sakop ng thunderstorm advisory ay uulanin sa loob ng dalawang oras mula nang ilabas ang abiso.

Samantala, ang parehong lagay ng panahon ay nararanasan din sa mga bayan ng Tanay, Antipolo, Pililia, Jala Jala, Cardona, Binangonan at Baras sa Rizal; Sta. Cruz, Pila, Victoria, Los Baños, Calauan at Bay sa Laguna; Atimonan at Real sa Quezon at sa Sta, Cruz at Candelaria sa Zambales.

Pinapayuhan ang mga residente na maging alerto sa posibleng flash floods o landslides.

Read more...