Suspek sa pagsabog sa GenSan naaresto

Arestado ng mga otoridad ang pangunahing suspek sa pagpapasabog sa General Santos City.

Ayon kay Supt. Alrin Gonzales, tagapagsalita ng police regional office 12, ang suspek ay kinilalang si Jeffrey Panag Alonzo.

Si Alonzo ay residente ng Barangay Lapu, Polomolok, South Cotabato.

Ani Gonzales, nadakip si Alonzo sa buy-bust operation at positibo siyang itinuro ng mga testigo na siya ang nagpasabog ng IED.

Walo ang nasugatan sa naturang pagsabog na naganap noong Sept. 16.

Sinampahan na ng kasong multiple frustrated murder ang suspek.

Read more...