Queen Elizabeth II nakiramay sa mga nabiktima ng TY Ompong sa Pilipinas

Nagpaabot ng pakikiramay si Queen Elizabeth sa Pilipinas dahil sa pananalasa ng bagyong Ompong.

Ang pakikiramay ay ipinaabot sa pamamagitan ng mensahe na ipinadala kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Nakasaad sa mensahe na labis na ikinalulungkot ni Queen Elizabeth ang nangyari at ang pinsalang idinulot ng Typhoon Mangkhut.

Siya at si Prince Philip ay nagpapaabot ng pakikiramay sa lahat ng biktima, sa mga nawalan ng mahal sa buhay at sa mga nawasak ang tahanan.

Ang naturang mensahe ni Queen Elizabeth ay naka-post sa official website ng Royal Family.

Read more...