Inabandona sa Manila International Container Port (MICP) ang daan-daang master cases ng sigarilyo na galing sa China.
Ang 657 na piraso ng master cases ng sigarilyo ay lulan ng isang 40-footer container van.
Ayon sa Bureau of Customs, naka-consign ang shipment sa Pan Subic Brother Manufacturing at June 13, 2017 pa dumating ng bansa.
Posible ayon sa BOC na hindi na kinuha ang mga sigarilyo dahil smuggled ang mga ito at natatakot ang may-ari na makasuhan.
Ang mga inabandonang sigarilyo ay sisirain ng customs dahil hindi ito dumaan sa pagsusuri ng mga otoridad sa Pilipinas at ilegal ding ipinasok sa bansa.
MOST READ
LATEST STORIES