Sinibak sa pwesto ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Sec. Roy Cimatu ang matataas na opisyal ng Mines Geosciences Bureau (MGB) sa Region 7.
Dumating si Cimatu sa Naga City sa Cebu Biyernes ng tanghali isang araw matapos maganap ang pagguho ng lupa doon.
Kabilang sa mga sinibak sa pwesto ay sina MGB-7 Director Loreto Alburo, chief geologist Al Emil Berador, Atty. Jerry Mahusay, at supervising geologist Dennis Aleta.
Una rito ay inanunsyo rin ni Cimatu ang 15 araw na suspensyon sa quarry operations ng APO Land & Quarry Corporation.
READ NEXT
Patay sa landslide sa Naga City, 29 na; Operasyon ng Apo Land & Quarry Corp., sinuspinde ng DENR
MOST READ
LATEST STORIES