LOOK: VP Robredo, ex-PNoy dumalo sa mass for peace sa La Salle

Inquirer Photo | Jam Sta. Rosa

Kapwa dumalo sa idinaos na mass for peace sa De La Salle University sa Taft Avenue sa Maynila sina Vice President Leni Robredo at dating Pangulong Benigno Aquino III.

Ang misa ay bilang paggunita sa ika-46 na anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law.

Dumalo din sa misa sina Senators Bam Aquino at Kiko Pangilinan.

Matapos ang misa nagbigay naman ng talumpati si Robredo kung saan binanggit nito na hindi na dapat hayaang na mangyari muli ang pagsupil sa kalayaan.

Kinondena rin ni Robredo ang aniya ay nangyayari ngayon na tila ang mga kabataan ay sinasanay sa kultura na ayos lang gumawa ng mali.

Read more...