Patay sa landslide sa Naga City, Cebu umabot na sa 25

CDN PHOTO/Junjie Mendoza

Umakyat na sa 25 ang bilang ng mga nasawi sa landslide sa Naga City sa Cebu.

Kinumpirma ito ng mga opisyal ng disaster risk reduction and management office.

Dalawa sa mga nasawi ay manggagawa ng Apo Land and Quarry Corporation.

Sa ngayon patuloy ang search and rescue efforts dahil aabot pa sa hindi bababa sa 60 ang nawawala.

Matapos ang insidente, iniutos na ang forced evacuation sa mga residente sa Sitio Sindulan sa Barangay Tinaan.

Aabot ngayon sa 758 na pamilya ang nananatili sa mga evacuation centers.

Read more...