MAC lipstick ni Maine Mendoza sold out 1 minuto matapos i-release sa online shopping site

Sa loob lang ng isang minuto matapos ilabas sa online shopping site na Lazada, sold out agad ang MAC lipstick ni Maine Mendoza.

Kinumpirma ito ng MAC Cosmetics sa post sa kanilang Instagram Account.

Sinimulang ibenta sa Lazada ang shade ng lipstick ni Maine madaling araw ng September 21 at agad naubos pagkalipas lang ng isang minuto.

Ayon sa MAC para sa mga hindi nakabili online, ang special-edition lipstick na ang tatak ay @mainedcm ay mabibili naman na sa SM Megamall mula bukas, Sept. 22 at sa lahat ng MAC stores sa bansa mula Sept. 23.

Read more...