State of calamity ipinadedeklara ng NDRRMC sa 4 na rehiyon na nasalanta ng TY Ompong

Ipinadedeklara ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC sa gobyerno na ideklara ang state of calamity sa mga rehiyong labis na nasalanta ng bagyong Ompong.

Kabilang sa ipinasasailalim ng NDRMMC sa state of calamity ang Regions 1, 2, 3 at Cordillera Administrative Region (CAR).

Isusumite ng NDRRMC ang resolusyon na hihiling sa deklarasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte ngayong linggong ito.

Sa sandaling maisailalim sa state of calamity ang mga nabanggit na rehiyon ay magpapatupad ng prize ceiling sa mga pangunahing bilihin.

Mahigpit ding babantayan ang mga nagnenegosyo sa posibleng overpricing o hoarding.

Mapaglalaanan din ng pondo ang mga kinakailangan ng repair lalo na sa mga public infrastructures.

Sa datos ng NDRRMC, sa CAR umabot sa mahigit 12,000 ang nasirang mga bahay; mahigit 8,000 sa Region 1; mahigit 25,000 sa Region 2; at mahigit 1,200 sa Region 3 dahil sa pananalasa ng bagyo.

Read more...