P5.4 milyong civil case laban kay CGMA dahil sa pagkamatay ng ilang Protestant Leaders, tuloy na

 

inquirer file photo

Ibinasura ng Court of Appeals ang petisyon ni dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na pigilan ang Quezon City Regional Trial Court na isulong ang pagdinig sa P5.4 miyong kasong sibil na isinampa laban sa kanya ng United Church of Chirst of the Philippines dahil sa mga kaso ng extrajudicial killings sa ilalim ng kanyang termino.

May kinalaman ang naturang kaso sa mga diumano’y pagpatay sa tatlong pastor at dalawang miyembro ng naturang simbahan noong panahong si Arroyo pa ang Pangulo ng bansa.

Sa 16-na pahinang desisyon ng Seventh Division ng CA, ibinasura nito ang naunang motion to dismiss ng dating Pangulo upang hindi sana matuloy ang reklamo ng naturang simbahang Protestante laban sa dating opisyal.

Sa naturang reklamo, na isinampa noong June 2011, sinisisi ng grupo ang Oplan Bantay Laya, na operasyon kontra rebeldeng grupo bilang pasimuno ng mga pagpatay sa ilan nilang mga miyembro.

Ilan samga biktima anila ay sina pastor Edison Lapuz, Raul Domingo at Andy Pawican at mga miyembro na sina Noel Capulong at Joel Baclao.

Sa ilaim ng Oplan Bantay Layan na ipinatupad sa ilalim ng Arroyo Administration, itinuring umanong front ng Communists Party of the Philippines o CPP ang UCCP.

Giit pa ni Marigza, bukod sa pagpatay, ilan pa sa kanilang miyembro ang nakaranas ng torture o nakulong ng mga miyembro ng military sa kanayunan.

Paliwanag ng CA, sa magaganap na pagdinig na sa kaso ipaliwanag ng si dating Pangulong Arroyo ang kanyang panig sa naturang alegasyon.

Read more...