Paggunita ng Undas, naging tahimik

 

Kuha ni Mariel Cruz

Naging matahimik ang paggunita ng buong sambayanan sa Undas.

Batay sa pinakahuling update ng monitoring center ng Philippine National Police, wala namang malaking insidente ng karahasang naitatala sa buong bansa na maiuugnay sa selebrasyon ng All saints’ at All Souls’ Day.

Sa patuloy na pagbabantay ng PNP, tanging ang pagkakakumpiska ng mga bladed weapons at iba pang ipinagbabawal na bagay ang naitatala.

Samantala, isa namang improvised explosive device ang nakumpiska sa Autonomous Region in Muslim Mindanao bagamat hindi tinukoy sa report ang partikular na lugar.

Sa Manila North Cemetery, tinatayang umaabot na sa 2 milyong katao ang bumisita sa puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Umaabot naman ang PNP na mananatiling naka-alerto ang kanilang puwersa hanggang sa matapos ang paggunita ng Undas.

Sa kasalukuyan, nasa 5,407 public assistance centers ang nakapuwesto sa iba’t-ibang sementeryo sa bansa.

Nasa halos 40,000 pulis naman ang ipinakalat sa mga pribado at pampublikong libingan sa buong bansa.

Read more...