Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sisimulan ang repair alas 11:00 ng gabi mamaya (Sept. 21).
Kabilang sa apektado ng repair at re-blocking ang mga sumusunod na kalsada:
SOUTHBOUND:
– C5 Road bago mag-Tiendesitas malapit sa C-5 Ortigas Flyover
– C5 Road (Gap 3) Chainage 52 hanggang Chainage 420 (1st lane
– EDSA sa harap ng Francesca Tower hanggang sa pagkalagpas ng Sct. Borromeo (3rd lane mula sa center island)
NORTHBOUND:
– EDSA sa tabi ng Trinoma Mall (6th lane mula center island)
– A.H. Lacson Ave. kanto ng Aragon Street at kanto ng P. Florentino Street.
– Batasan Road bago mag-Everlasting Street sa harap ng QCPU (2nd lane)
– C5 Road bago mag-MRT Avenue
Lahat ng nabanggit na lansangan ay sarado ngayong weekend at muling bubuksan sa Lunes (Sept. 24) alas 5:00 ng umaga.