P400,000 halaga ng shabu nasabat sa Legazpi at Naga

INQUIRER File Photo

Nasabat ng mga otoridad ang aabto sa P453,000 na halaga ng ilegal na droga mula sa mga naarestong suspek sa magkahiwalay na operasyon sa Naga at Legazpi City.

Ayon kay Chief Insp. Maria Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol Police Regional Office, sa Barangay Peñaranda sa Legazpi City, arestado ang mga drug suspect na sina Christian Tan, Jhoper Blanca, at Eloxor Blanca.

Si Tan ay nakuhanan ng 25 gramo ng shabu na tinatayang aabot sa P183,600 ang halaga, nakuha naman sa bahay ng mga Blanca ang 11 sachet ng shabu na P170,000 ang halaga.

Sa hiwalay na operasyon, naaresto sa Barangay Concepcion Pequeña sa Naga City ang suspek na si Dennis Chiu, 37 anyos at Jeric Buñag, 41 anyos.

Nakuha mula kay Chiu ang aabot sa P100,000 na halaga ng ilegal na droga habang si Buñag ay nahuli sa aktong nagbebenta ng ilegal na droga sa asset ng pulis na nagpanggap na buyer.

Read more...