2 sugatan matapos tamaan ng kidlat sa Zambales

Dalawa ang nasugatan matapos tamaan ng kidlat sa Subic, Zambales.

Tinamaan ng kidlat sina Francisca Dela Cruz, 42 anyos at Gina Calisag, 46 anyos na kapwa residente ng Barangay Cawag.

Ayon kay Danilo Macamay, pinuno ng Subic Disaster Risk Reduction and Management Council, namamahinga lang ang dalawa sa ilalim ng puno ng tamaan sila ng kidlat Huwebes ng hapon.

Agad isinugod ang dalawa sa Lourdes Medical Hospital sa Olongapo City dahil sa natamong sunog sa katawan.

Ligtas na ang lagay ni Calisag pero kritikal ang kondisyon ni Dela Cruz.

Read more...