16 mayor na absent sa pananalasa ng TY Ompong pinagpapaliwanag ng DILG

Nagpalabas na ng show cause orders ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa 16 na alkalde na missing in action noong kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Ompong.

Ayon kay DILG Spokesperson Asec. Jonathan Malaya, ang 16 na mayor ay mula sa Northern Luzon.

Pirmado ni DILG Usec. Bernardo Florence ang show cause order na nag-aatas sa mga alkalde na magpaliwanag.

Siyam sa mga alkalde ay mula sa Region 2 at pito naman sa Cordillera Administrative Region (CAR).

Tiniyak naman ng DILG na mapagkakalooban ng due process ang mga mayor.

At kung mapatutunayang nagkaroon ng kapabayaan sa kanilang panig ay papanagutin sila ng DILG.

Read more...