Patay ang 44 na katao makaraang tumaob ang sinasakyan nilang passenger ferry sa Lake Victoria sa Tanzania.
Ayon kay Mwanza Regional Commissioner John Mongella, inaasahang madaragdagan pa ang bilang ng mga nasawi dahil nagpapatuloy pa ang rescue efforts ng mga otoridad sa iba pang nawawala.
Umabot naman na sa 37 ang nailigtas.
Hindi rin masabi ng mga otoridad ang eksaktong bilang ng sakay ng ferry, pero ang mga passenger ferry sa Tanzania ay nakapagsasakya ng daan-daang katao at kadalasan ay overcrowded ang mga ito kapag bumibiyahe.
Naglalayag ang ferry patungo sa Ukara at Bugolora nang ito ay bumaligtad malapit sa Mwanza.
READ NEXT
Gulay na mas mura ng 50% kaysa sa mga palengke, mabibili sa Vegetable Festival ng DA sa Maynila
MOST READ
LATEST STORIES