3 arestado sa buy-bust sa Maynila

Inquirer file photo

Arestado ang tatlong lalaki sa ikinasang drug buy bust operation sa Maynila.

Target ng operasyon ang suspek na si alyas Gregorio na ayon sa mga otoridad ay matagal nang minamanmanan dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga.

Nang isagawa ang operasyon nadatnan din ang dalawang parokyano ni Gregorio na sina alyas Armando at Archimedes.

Aminado naman si Gregorio sa ilegal na gawain na aniya ay napilitan lang niyang pasukin para may maipambili siya ng kaniyang gamot sa sakit niyang TB.

Read more...