LPA na inaasahang maging bagong bagyo, posibleng tumama sa Batanes area – PAGASA

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang low pressure area (LPA) na nakapaloob sa intertropical convergence zone (ITCZ) at nasa labas pa ng bansa.

Ayon sa 4am advisory ng weather bureau, ang sama ng panahon ay huling namataan sa layong 2,060 kilometro Silangan ng Visayas at papasok ng PAR bukas o sa araw ng Linggo.

Posible itong maging isang ganap na bagyo sa loob ng 24 hanggang 36 oras at papangalanang ‘Paeng’.

Ayon sa PAGASA, sakaling maging bagyo na ay posible itong tumama sa dulong hilagang Luzon o sa Batanes area.

Ngayong araw makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang MIMAROPA, Western at Central Visayas at Zamboanga Peninsula.

Sa nalalabing bahagi naman ng bansa kabilang na ang Metro Manila ay maalinsangan ang panahon liban na lamang sa mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.

Read more...