Pansamantalang isasara ang ilang mga lansangan sa Maynila ngayong araw ng Biyernes, September 21, bilang paggunita sa anibersaryo ng Martial Law na ipinatupad noong 1972.
Magkakaroon kasi ng programang “Talakayan sa Mapayapang Paggunita ng Martial Law” ngayong araw na gaganapin sa Rizal Park.
Sa traffic advisory na inilabas ng Manila Police District (MPD), mula alas-6 ng umaga ay nakasarado ang:
• northbound at southbound lane ng Roxas Boulevard mula Katigbak Drive hanggang Quirino Avenue
• eastbound lane ng T.M. Kalaw Avenue mula Ma. Orosa Street hanggang Taft Avenue
• eastbound at westbound lane ng T.M. Kalaw Avenue mula M.H. del Pilar Street hanggang Roxas Boulevard
• U.N. Avenue corner Roxas Boulevard service road
Dahil dito ay magpapatupad ng rerouting scheme sa ilang bahagi ng Maynila:
• Para sa lahat ng mga sasakyang manggagaling sa hilagang bahagi ng Maynila mula sa southbound lane ng Delpan Bridge at Pier Zone, kumaliwa sa P. Burgos Street patungo sa destinasyon.
• Para sa mga sasakyang manggagaling sa Mabini Street mula sa eastbound lane ng T.M. Kalaw Avenue, kumaliwa sa M.H. del Pilar patungo sa destinasyon.
• Para sa mga sasakyang manggagaling sa Mabini Street mula sa eastbound lane ng T.M. Kalaw Avenuem kumaliwa sa Ma. Orosa Street patungo sa destinasyon.
• Para sa mga sasakyang manggagaling sa katimugang bahagi ng Maynila mula sa northbound lane ng Roxas Boulevard, kumanan sa Quirino Avenue patungo sa destinasyon.
Samantala, para naman sa mga cargo truck na dadaan sa Osmeña Highway, kumanan sa Quirino Avenue, deretso sa Nagtahan, A.H. Lacson Avenue, at Yuseco Street, tumawid sa Jose Abad Santos Avenue, deretso sa Raxabago, Capulong patungo sa destinasyon.
Habang ang mga cargo truck naman na dadaan sa southbound truck route mula sa pier ay inaabisuhang bagtasin na lamang ang northbound lane ng R-10, kumanan sa Capulong, deretso sa Yuseco Street hanggang A.H. Lacson Avenue patungo sa destinasyon.
Paalala ng MPD, asahan na ang mabigat na daloy ng trapiko dahil sa mga aktibidad at pinapayuhan ang lahat na humanap ng alterntibong daan upang hindi maabala.