Residential area sa Pasay City, tinupok ng apoy; isa patay

(UPDATED AS OF 1:50AM) Nasunog ang isang residential area sa F.B. Harrison, sa Pasay City.

Alas-11:13 ng gabi nang ideklarang fireout ang pagliliyab na umabot sa ikaapat na alarma.

Ayon sa mga otoridad, isa na ang kumpirmadong nasawi dahil sa insidente.

Hindi pa batid ang pagkakakilanlan ng bangkay, bagaman mayroon hinala na ito ang lalaking sinasabing nawawala nang magsimula ang sunog.

Patuloy pang inaalam ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng narekober na bangkay.

Kasabay nito ay inaalam na rin ang sanhi ng sunog at ang kabuuang pinsalang dulot nito.

Read more...