M4.0 na lindol, yumanig sa Antique

Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang Antique alas-10:08 ngayong gabi.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 10 kilometro Timog-Silangan ng bayan ng Valderrama.

Una itong naitala na may lakas na magnitude 3.8 ngunit itinaas sa magnitude 4.0.

Naitala ang Intensity IV sa Valderrama, Antique; Intensity III – Cabatuan, Iloilo; at Intensity II – Passi City.

Tectonic ang dahilan ng pagyanig.

Hindi naman inaasahan pa ang aftershocks at pinsala sa mga ari-arian.

Read more...