Mga local officials nanindigan na nasa Cagayan sila nang manalasa si Ompong

Sourced Photo

Nilinaw ni Cagayan Vice Governor Melvin Vargas Jr. na mali ang mga kumakalat na balita sa social media na nag-tour sa Malacañang ang ilang mga local officials ng Cagayan sa kasagsagan ng bagyong Ompong.

Ipinaliwanag ni Vargas na inimbitahan sila ni Special Assistant to the President Bong Go para pag-usapan ang ilang mga isyu sa kanilang lalawigan.

Dahil inutusan ng pangulo si Go kaya ang nakaharap nila ay si Executive Sec. Salvador Medialdea na lamang.

Magkagayunman ay naiparating umano nila sa opisyal ang lahat ng mga isyu na nangangailangan ng mabilisang tugon mula sa national government.

Nilinaw rin ni Vargas na noong Biyernes, Setyembre 14 ay nakabalik rin sila sa Cagayan kaya nandun sila noong mag-landfall ang bagyo, araw ng Sabado.

Nauna nang sinabi ng Department of Interior and Local Government na posibleng makasuhan o kaya ay masibak sa pwesto ang mga local officials na wala sa kanilang mga lugar nang manalasa ang bagyo.

Sinabi rin ni Cagayan Gov. Manuel Mamba na hindi otorisado ang pagluwas sa Maynila ng ilang mga local officials ng lalawigan at ito ay kanyang pa-iimbestigahan.

Read more...