Klase kanselado sa Maynila bukas dahil sa mga kilos-protesta

Walang pasok ang mga eskwelahan bukas, Biyernes, September 21 sa lungsod ng Maynila.

Sa anunsyo ni Manila Mayor Joseph Estrada, kanselado na ang pasok sa lahat ng lebel sa pribado at pampublikong paaralan sa lungsod.

Nakarating kasi sa pamahalaang lungsod ng Maynila ang report mula sa Manila Police District na magkakaroon ng malaking kilos protesta sa lungsod bukas kasabay ng 46th anniversary ng deklarasyon ng Martial Law.

Kaugnay nito, naglatag na ang MPD ng kaukulang security measures para sa mga lugar na inaasahang pagdarausan ng demonstrasyon kabilang ang Mendiola at Quirino Grandstand.

Bukod sa mga militanteng grupo ay magsasagawa rin ng kilos-protesta ang mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang civil society groups.

Read more...