Ito ay alinsunod sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sawatain ang mga kurapsyon sa kanyang administration.
Nauna dito ay sumulat kay Lapeña ang isang grupo kung saan hinihikayat nila ang ospiayal na tingnan ang kayamanan nina Jimmy Guban ng Customs Intelligence Office na naimbestigahan sa P6.8 Billion shabu shipment sa Senado.
Gusto ring paimbestigahan ng grupo na hindi na pinangalanan ni Lapeña si Atty. Lourdes Mangaoang na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport.
Ang nasabing ospisyal ay iniuugnay rin sa pagpasok ng iligal na droga sa bansa.
Base anila sa Facebook accounts nina Guban at Mangaoang, ang naturang mga officials ay mayroong mga luxury cars, at malalaking bahay at madalas mag- travel kasama ang kanilang mga kamag-anak at kaibigan sa ibang bansa.
Paliwanag ni Lapeña hindi nito kukunsintihin ang sinumang opisyal at personnel ng BOC na mapapatunayang nagmamalabis sa kanilang mga kayamanan na nakuha sa ilegal na gawain.