Full support tiniyak ng PNP makaraang kasuhan ng homicide si Espenido

Inquirer file photo

Hindi iiwan ng Philippine National Police si Ozamis City Police Chief Jovie Espenido.

Ito ay makaraang sampahan ng six counts ng kasong homicide ang nasabing opisyal kasama ang kanyang mga tauhan dahil sa serye ng mga police operations na nagresulta sa kamatayan ng siyam katao noong June, 2017.

Sinabi ni PNP Spokesman Benigno Durana na handa silang ibigay ang kinakailangang suporta ni Espenido.

Ayon kay Durana, may mga abogado ang PNP mula sa kanilang legal service na pwedeng umayuda kay Espenido maliban na lamang kung kukuha ito ng isang private counsel.

Kinasuhan si Espenido kasama sina SPO4 Renato Martir at PO1 Sandra Nadayag makaraan nilang mapatay sa isang operasyon ang siyam na miyembro ng “Ozamis 9”.

Ang nasabing grupo ay nasa likod ng serye ng robbery at drug trade sa lungsod.

Ang grupo rin ni Espenido ang nakapatay kay dating Ozamis City Mayor Reynaldo Parojinog na sinasabing utak ng drug trade sa malaking bahagi ng Mindanao.

Grupo rin ng nasabig opisyal ang itinuturong nasa likod ng pagkamatay ni dating Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa na napatay sa loob ng bilangguan.

Read more...