Ayon kay Prospero de Vera, officer in charge ng CHED, nakikipag-ugnayan sila ng mga opisyal ng SUCs.
Mismong ang mga ito ang nagsabing tuluy-tuloy ang mga klase ng mga estuduyante, kahit pa nasira ang ilang buildings ng SUCs dahil sa nagdaang bagyo.
Paliwanag pa ni De Vera, hindi kailangang ipagpaliban ang operasyon at pasok sa mga naapektuhang SUCs ng Bagyong Ompong, hindi gaya noong pananalasa ng Supertyphoon Yolanda kung kailan nagpasya silang suspindihin ang school operations at pinalipat pa sa ibang paaralan ang mga estudyante.
Batay sa tala ng CHED, karamihan sa SUCs na nagreport ng pagkasira ay sa Ilocos Region, Cagayan Valley Region at Cordillera Administrative Region, na pawang binayo ng husto ng bagyo.
Sinabi ni De Vera na base sa preliminary damage assessment ay tinatayang nasa P428 million ang pinsala sa SUCs, pero maaaring lumaki pa ito dahil patuloy ang pagkalap nila ng ulat mula sa mga opisyal ng mga unibersidad at kolehiyo.
Kaugnay nito, sinabi ni De Vera na maghahanap ang CHED ng ibang pwedeng pagkuhanan ng pondo para sa repair at rehabilitasyon ng mga naaapektuhang SUCs.