Sarangani, Davao Occidental at Burgos, Surigao Del Norte niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang bayan ng Sarangani sa lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 168 kilometers South ng Sarangani 7:40 umaga ng Huwebes, September 20 na may lalim na 26 kilometers.

Samantala, niyanig din ng magnitude 3.1 na lindol ang bayan ng Burgos sa lalawigan ng Surigao Del Norte.

Naitala naman ang pagyanig sa 71 kilometers North ng Burgos 9:06 ng umaga Huwebes, September 20 na may lalim na 3 kilometers.

Tectonic ang origin ng dalawang lindol at wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks ang dalawang pagyanig.

Read more...