Malacañang kay Roxas: Manahimik ka!

Pinatatahimik ng Palasyo ng Malacañang si dating Interior Secretary Mar Roxas matapos itong maglatag ng mga suhestyon sa gobyerno kaugnay ng mataas na presyo ng bigas.

Sa isang Facebook post, umapela ang dating opisyal na ihinto muna ang bangayan sa pulitika dahil sa kinahaharap na problema sa mataas na presyo.

Sinabi nito na ang makakapagpababa lamang sa presyo ng bigas ay ang pagdaragdag sa suplay nito.

Sa isang panayam, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi niya personal na nabasa ang naturang post ngunit sinabihan si Roxas na manahimik na lang.

Ito anya ay dahil sa karanasan ng dating kalihim at senador sa Leyte matapos ang pananalasa ng Bagyong Yolanda.

Umani ng batikos si Roxas at ang dating administrasyon dahil sa naging pagtugon nito sa pinsala ng bagyo.

Read more...