M3.0 na lindol naramdaman sa Surigao del Norte

Niyanig ng isang magnitude 3.0 na lindol ang bayan ng Burgos sa Surigao del Norte.

Batay sa abiso na inilabas ng PHIVOLCS, naganap ang pagyanig kaninang ala-1:44 ng madaling araw.

Naitala ang episentro nito sa 79km hilagangsilangan ng Burgos.

May lalim itong 2km at tectonic ang pinagmulan.

Ayon sa PHIVOLCS, walang idudulot na aftershocks ang lindol at wala ring inaasahang anumang pagkasira sa mga ari-arian.

Read more...