Lumobo na sa P16.76 bilyon ang halaga ng pinsala ng Bagyong Ompong sa sektor ng agrikultura ayon sa Department of Agriculture.
Ayon sa Disaster Risk Reduction and Management Operations Center ng kagawaran, napinsala ng bagyo ang aabot sa 636,908 ektarya ng mga lupang agricultural at nasa 731,294 metriko toneladang pagkasira sa produksyon.
Ang halagang ito ay batay sa mga ulat mula sa Regions 1, 2, 3, at 4-A kung saan ang kabilang sa datos ang bigas, mais, isda, pasilidad at mga kagamitan.
Ang pinsala sa bigas ay umabot sa P11.45 bilyon na pinakamalaki o 68.30 ng kabuuang pagkasira sa agricultural sector.
Karamihan sa nasirang bigas ay nasa reproductive stage pa lamang ayon sa DA.
MOST READ
LATEST STORIES