Lalaki patay dahil sa hit-and-run sa Quezon City

Contributed photo

Hindi na umabot pa ng buhay sa ospital ang isang lalaki matapos itong mabiktima ng hit-and-run sa panulukan ng Quezon Avenue at Roosevelt Avenue sa Quezon City.

Sa ngayon ay wala pang pagkakakilanlan ang lalaking nabasag ang ulo dahil sa lakas ng impact.

Nagkalat ang mga gamit ng biktima matapos itong mabangga ng isang motorsiklo.

Kwento ng isang motorista na nakasaksi sa aksidente, mayroong kausap sa cellphone ang biktima at posible umanong hindi ito napansin ng rider kaya naman nabangga ito.

Matapos ang aksidente ay agad na tumakas ang rider.

Nang dumating ang mga rescuer sa lugar, mayroon pang pulso ang lalaking biktima. Ngunit dahil sa lala ng pinsalang kanyang tinamo ay binawian rin ito ng buhay.

Patuloy pang inaalam ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng biktima upang maipabatid agad ang kanyang sinapit sa kanyang mga kaanak.

Read more...