Suspek sa pamamaril sa isang commercial building sa Wisconsin, napatay ng mga pulis

AP

Sugatan ang tatlo katao matapos mag-amok at mamaril sa loob ng isang commercial building ang isang lalaki sa Madison, Wisconsin sa Estados Unidos.

Sa ngayon ay hindi pa muna inilalabas ng Middleton Police ang pagkakakilanlan ng gunman. Ngunit ayon sa mga ito, nag-iisang suspek lamang ang responsable sa pamamaril.

Miyerkules ng umaga, oras sa Estados Unidos nang maganap ang pamamaril sa loob ng WTS Paradigm.

Agad na dinala sa ospital ang mga sugatan, maging ang nabaril na suspek. Ngunit habang ginagamot ang suspek ay binawian ito ng buhay.

Tumangging magbigay ng pahayag ukol sa mga pangyayari si Middleton Police Chief Chuck Foulke dahil patuloy pa aniya ang kanilang imbestigasyon at panayam sa mga nakasaksi sa insidente.

Dahil wala nang immediate threat sa lugar ay tinanggal na ang lockdown sa paligid ng pinangyarihan ng insidente.

Samantala, ayon naman kay Wisconsin Governor Scott Walker, masususi nilang tinututukan ang sitwasyon, maging ang lagay ng mga sugatan.

Read more...