Isa pang drug suspek arestado sa Quezon City

Arestado ang isang lalaking drug suspek sa ikinasang drug buy bust operation ng mga otoridad sa Barangay Greater Lagro, Quezon City.

Nakilala ang suspek na si Joseph Abuena alyas Jess, 28 taong gulang.

Narekober mula dito ang apat na sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Nakakulong na ngayon ang suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...