Arestado ang isang Filipino-Chinese matapos magkasa ng buy bust operation ang mga otoridad sa Barangay Roxas sa Iloilo City.
Nasabat mula dito ang 52 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P600,000.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) – Western Visayas, newly identified drug personality lamang ang suspek.
Kadalasan pa umano na malalaking transaksyon ng droga ang isinasagawa nito.
Samantala, sa lungsod naman ng Jaro ay naaresto ang isa pang drug suspek.
Narekober mula sa kanya ang 10 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P100,000.
Kapwa mahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
MOST READ
LATEST STORIES