M3.0 na lindol, naitala sa Davao Occidental

Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang bahagi ng Davao Occidental alas-3:15 ng madaling-araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 211 kilometro Timog-Silangan ng Sarangani.

May lalim itong 102 kilometro at tectonic ang dahilan.

Hindi naman inaasahan ang pinsala sa mga ari-arian at aftershocks.

Read more...