M3.4 na lindol naitala sa Ilocos Sur

Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang bahagi ng Ilocos Sur ala-1:40 ng madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 59 kilometro Hilagang-Kanluran ng bayan ng San Vicente.

May lalim itong walong kilometro at tectonic ang dahilan.

Hindi naman inaasahan ang pinsala sa mga ari-arian at aftershocks.

Read more...