Sa pagdinig sa Senado kanina ay tumanggi si Signapan na sagutin ang ilang mga tanon mula sa komite ni Gordon.
Bagaman nauna na niyang inamin na siya ang consignee ng kargamento ay naging mailap si Signapan sa pagsagot sa ilang mga tanong partikular na ang may kaugnayan sa droga.
Hindi rin nagustuhan ng mambabatas ang ginawa ni Signapan na pagtuturo sa ilang mga tao na ayon sa kanya ay posibleng nagsabwatan para mailusot ang nasabing kargamento gamit ang kanilang kumpanya.
Nauna dito ay ipinakulong rin sa Senado ni Gordon si Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) Agent Jimmy Guban.
Inutusan rin niya ang pamunuan ng Bureau of Customs at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na magsagawa ng imbestigasyon sa pagkatao ng nasabing CIIS agent.
Nagsabwatan umano sila Signapan at Guban para idiin ang welder na si Joel Maritina para lumagda sa isang pekeng affidavit kaugnay sa sinasabing shabu shipment.
Noong nakalipas na buwan ng Agosto sinasabing naipuslit ang higit sa 300 kilo ng shabu na isinilid sa dalaang metal lifters bagay na itinanggi naman ng BOC.