Kasong reckless imprudence resulting to homicide ang isinampa ni Garin kay Ubial kaugnay ng pagkamatay ng mga batang nabakunahan ng Dengvaxia vaccine.
Iginiit ni Garin na ang pasya ni Ubial na gawing community based mula sa pagiging school-based ng dengue immunization program ay nagresulta sa mga napa-ulat na pagkasawi ng mga bata.
Sinabi din ni Garin na kasalanan ni Ubial kung bakit hindi nasunod ang protocol na pagkuha ng written consent bago ang pagturok ng bakuna.
Dagdag pa ni Garin, ang ginawa ni Ubial ay labag sa karaniwang global recomendation para sa school based immunization na nagpahina sa screening at monitoring na inilatag para sa kaligtasan ng recipient ng Dengvaxia.
Ang mga nasabing dahilan ay sapat na aniyang probable cause para sampahan si Ubial ng kasong paglabag sa Article 365 ng Revised Penal Code.