ABS-CBN online store napasok ng hacker

Posibleng makompromiso ang ilang financial data ng ilang customer ng ABS-CBN online stores makaraang mapasok ng hacker ang kanilang account.

Sinabi ni Dutch security researcher Willem “gwillem” de Groot na noon pang nakalipas na buwan ay aktibo na ang kanyang na-detect na payment skimmer.

Nagawa umano ng nasabing payment skimmer nan a maharang ang ilang financial data at ipinadala ang mga ninakaw na impormasyon sa isang server na nakarehistro sa Irkutsk, Russia.

Lumilitaw rin sap ag-aaral ng nasabing online security expert na ang pag-atake sa ABS-CBN online store ay tulad nangyari kamakailan na hacking activity sa Ticketmaster at British Airways.

Gumamit ng isang uri ng malware ang hacker na nakakauha ng mga financial data sa mga transaksyon sa ABS-CBN online store.

Nagawang makapasok ng nasabing uri ng malware dahil nakatago ito sa isang JavaScript file.

Nang makapasok na sa sistema ay nagawa ng isang malicious code na burahin ang mga impormasyon sa payment cards na ginamit ng mga customers sa kanilang online transactions.

Sa hiwalay na pahayag ay sinabi ng ABS-CBN na kanila nang isinara pansamantala ang dalawa sa kanilang online stores.

Inamin rin ng kumpanya na nakuha ang ilang sensitive personal data ng kanilang 213 customers na nagkaroon ng transaksyon sa ABS-CBN Store (store.abs-cbn.com) at UAAP Store (uaapstore.com).

Kanila na ring ipinarating sa National Privacy Information ang nasabing pangyayari.

Read more...