Sinabi nito na kapag hindi nagkasundo ang mga kongresista, hindi uusad sa bicameral ang deliberasyon sa pambansang budget sa susunod na taon.
Kaya’t nananawagan si Ejercito sa mga kapwa-mambabatas na ayusin ang hindi pagkakasundo na nag-ugat sa diumano’y pork barrel projects ng piling kongresista.
Dagdag ng senador, hindi mangyayari sa Senado ang nagaganap sa Kamara dahil silang mga senador ay walang hilig sa pork barrel.
Nadiskubre ng kampo ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang naisingit na P55 bilyong halaga ng mga proyekto ng mga kaalyado ng nakudetang si Rep. Pantaleon Alvarez.