UST, binulabog ng bomb threat

Inquirer file photo

Matapos ang Manila campus ng Mapua University, sunod namang nakatanggap ng bomb threat ang University of Santo Tomas (UST) sa isang text message.

Sa kanilang Twitter account, nag-tweet ang Anakbayan UST ng photo grab ng naturang mensahe.

Sa text message, nakasaad na itutuloy ang pagpapasog sa UST Manila bandang 12:00 ng tanghali, araw ng Miyerkules.

Maliban dito, sinabi pa sa text message na ipasa ang mensahe at mabuhay ang New People’s Army.

Ayon sa ulat mula sa Manila Police District (MPD), walang natagpuang pampasabog sa isinagawang paneling operation ng MPD Explosive and Ordnance Division (EOD) sa unibersidad dakong 11:20 ng umaga.

Natanggap anila ang bomb threat message ng isang 1st year medical technology student.

Sa kabila ng bomb threat, tuloy pa rin ang klase at trabaho sa loob ng unibersidad.

Read more...