Leon na nangisay sa Manila Zoo, sasailalim sa “Keto Diet”

Photo grab from Mark Lee’s Facebook account

Isinailalim na ng pamunaun ng Manila Zoo sa tinatawag na Ketogenic diet ang Leon na nag-viral sa social media matapos umanong mangisay o mag-seizure noong Linggo.

Nasa isang controlled cage o service area na ng zoo ang limang taong gulang na Leon na si Rappee at patuloy na inoobserbahan.

Ayon kay Dr. Patrick Domingo, officer-in-charge ng Zoological Division ng Manila Zoo, binigyan na nila ng mga supportive treatments si Rappee kabilang dito ang pagpapainom ng Neuro drugs gaya ng B-complex at Neuro Vet.

Simula noong Linggo, hindi naman aniya naulit pa ang sinasabing “seizure” ni Rappee.

Sa katunayan, masigla naman ito at magana aniya kumain.

Sa isang araw, nauubos ni Rappee ang tatlong kilong manok at isang kilong baka.

Sa ngayon, wala pang findings ang Manila Zoo sa kung ano ang tunay na nangyari kay Rappee noong Linggo.

Aminado si Dr. Domingo na sumama ang loob nila sa netizen na magpost ng video ni Rappee sa social media.

May pakiusap din si Dr. Domingo sa mga animal welfare groups na humihirit na isara na ang Manila Zoo.

Hinikayat ni Dr. Domingo ang publiko o ang mga netizen na personal na bisitahin ang Manila Zoo at obserbahan ang mga alagang hayop bago magbigay ng negatibong komento sa social media.

Bukas ang Manila Zoo mula Lunes hanggang Linggo sa halagang P100 na entrance fee para sa mga hindi taga-Maynila at P50 para sa lahat ng Manilenyo.

Read more...