LOOK: Dinisenyong MAC lipstick ni Maine Mendoza, inilunsad na

Photo credit: MAC Cosmetics PH’s Instagram account

Inilunsad na ang pinakahihintay na lipstick collaboration sa pagitan ng Kalye sweetheart na si Main Mendoza at MAC Cosmetics.

Sa kanilang Instagram account, nag-post ang MAC ng larawan ni Maine suot ang bagong lipstick shade na angkop sa kulay ng aktres.

Ayon sa MAC, ang limited-edition na lipstick ay may kulay na muted peachy beige shade at Matte finish.

Personal na dinisenyo ni Maine ang naturang lipstick.

Photo credit: MAC Cosmetics PH’s Instagram account

Magiging available ang lipstick simula sa araw ng Biyernes, September 21, sa mga online shopping webite na Lazada, September 22 sa SM Megamall at September 23 naman sa buong bansa.

Read more...