SK chairman, arestado sa buy bust operation sa Cebu

Arestado ang isang Sangguniang Kabataan (SK) chairman at kanyang kasama sa ikinasang buy bust operation ng Cebu Provincial Intelligence Branch (PIB) at Cebu Provincial Police Office (CPPO) sa bayan ng Balamban sa Cebu, 11 gabi ng Martes (September 18).

Ayon kay Senior Insp. Deni Mari Pedrozo, kinilala ang mga suspek na si Regie Ponce, SK Chairman ng Barangay Bayong, at isang nagngangalang Renan Batuhan.

Nasabat ng mga otoridad ang aabot sa 12 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P141,600.

Kasalukuyang nakakulong ngayon sa Balamban Police precinct ang mga suspek.

Read more...